Anting-anting o Agimat: Mga Tanong at mga Sagot

Ano ba ang pinagkaiba ng anting-anting o agimat na nabibili sa Quiapo o online at sa mutya na matatagpuan lang sa kalikasan? Paano ba sila nagkakaroon at nawawalan ng bisa? Paano ba pumili ng charm? Sagutin natin ang mga tanong na yan dito.

2 Uri ng Anting-anting o Agimat

Meron tayong dalawang klase ng anting-anting o agimat. Yung una, tinatawag na mutya, na galing sa mga hindi nakikitang nilalang tulad ng mga diwata. Hindi ito makikita dito sa ating mundo, at kadalasan, ang mutya ay may natural na lakas na ipinagkakatiwala sa mga karapat-dapat. Halimbawa, kung makakita ka ng bato sa loob ng niyog, matatawag mo na isang mutya yun.

Pangalawa, yung mga anting-anting na nabibili mo na sa Quiapo o mga online mystical shops. Pwede itong gawa sa pinatuyong bahagi ng halaman o hayop, o mga bagay na dinasalan o niritwalan para magkaroon ng bisa.

Paano Ba Ito Nagkakaroon Bisa?

Yung ibang anting-anting o agimat, kailangan ng ritwal para maging mabisa. Halimbawa, may mga kailangan dasalan araw-araw, tulad ng mga medalyon na makikita sa Quiapo. Pero yung mutya, hindi mo na kailangang i-activate pa—basta't ikaw ay karapat-dapat para dito.

Nawawalan Ba Ito ng Bisa?

May paniniwala na kapag dinala sa sementeryo, libing, o sugal ang anting-anting o agimat, nawawala ang bisa nito. Pero siyempre, nakadepende pa rin ito sa kung paano ito ginawa at saan ito galing. Kaya kung bibili ka o bibigyan ka ng anting-anting, mahalaga na malaman mo kung ano ang mga dapat gawin at iwasan.

At isa pa, gagana lang ang anting-anting, agimat, o mutya kung may tiwala ka sa kakayahan nito. Tandaan na ang mga ito ay mga kasangkapan na tumutulong alisin ang mga balakid at magbigay daan para makamit ang mga kahilingan mo. Halimbawa, kung may pampaswerte ka sa pera, hindi nito gagawin ang lahat para sa'yo, pero tatanggalin nito ang mga hadlang at tutulungan kang makakita ng mga oportunidad.

Paano Ba Pumili ng Anting-anting o Agimat?

Siyempre, kailangan mo ring siguraduhin na alam mo at komportable ka kung paano ito ginawa at kung paano mo ito gagamitin. Kung bibili ka, magtanong ka sa nagbebenta. Kung hindi sila nagbibigay ng sapat na impormasyon, baka hindi nila alam ang ginagawa nila, at hindi sila yung tamang tao para pagkatiwalaan mo.

Click to Chat